pieces of me

Pat. 20. Dentistry. Iligan City.
I'm not young. Yet, my dreams are not clearly defined.
I'm typically shy, but not a snob.
I blog random things, things that suddenly crosses my mind, and more on stuff about chika worth shiz and the stories I like to tell about the people involved in my existence.
I don't get close to people I don't like.
I don't judge, I don't hate.
Let's be friends. :)

lezzgetiton!
Vanity Need not be expensive

Just an update for those who care.

Been missing in action for almost a week now. Who missed me? HAHA, JK. As if meron. :)

Well, for the record, I’m feeling so much better now. I had my CBC (Complete Blood Count) checked last Wednesday because of occasional dizziness which has something to do with my period, which is not normal I tell you. My hemoglobin level was below normal and my clotting time was above normal. My mom even had me checked by an OB-GYN and prescribed me meds, I hate taking meds :( Three different medicines after every meal, one with greater dosage than the other two. I am obediently and faithfully taking up my meds for three days now, and yes, I am feeling so much better except the flow is still there (K, so much for girl stuff)

I haven’t posted anything since the break-up. Yes, I am single now and I won’t be posting anything about the why’s of this break-up related stuff before the 20th of August, which a random fact, five days before my birthday. Does the three month rule ring a bell, anyone? But for the record, It’s been a week since we haven’t been communicating and yes, it has been the longest time so far. We’re supposed to celebrate our 19th month yesterday but nobody knew this was coming, so yeah.

Hi!! :))

Haay grabe, ang sarap magmura. Namiss ko ‘tong talaga. Namiss ko kausap yung mga taong di ko nakakausap dati, kasi nga bawal. Sa loob ng isang taon at pitong buwan, iniwasan kong makipag usap sa mga kaibigan kong lalake, pati mga lakad na dapat kasama ako, di ako sumasama dahil may magagalit, kasi ang daming bawal. Makipag usap lang sa mga kaibigan ko noon, bawal na, ang dami nang tanong. Ayun, tinanggap ko yung ganun, kasi nga nandiyan na siya, bakit maghahanap pa ako ng ibang kausap di ba, at kahit anong pag eexplain pa naman siguro ang gawin ko, hindi naman talaga ako maiintindihan nun.

At ngayon na sinubukan kong kalasan ang anumang meron kami, ay hindi ko pala sinubukan, kinalasan ko na pala talaga. 

Online na ko sa facebook chat, nagrereply na ako sa mga nagtetext. Ang sarap magmura sa mga taong tunay na nakakaintindi sa sitwasyon ko ngayon! Mas masarap kasi pagbuntungan ng mga emosyon yung mga kaibigan kong lalake eh, wala nang maraming tanong, ang bilis pa magreply! 

Haaay, kailangan ko talaga ‘to. Okay na ako, kaya ko ‘to.

Kung makapagsalita ka, grabe. Bakit ako? Hindi mo ba ako problema? O dagdag nga lang ba ako sa mga problema mo? Bakit parating ganito? Bakit ako parati yung last resort? Girlfriend mo ba talaga ako? Hindi mo kasi nakikita yun kasi hindi ikaw yung nasasaktan eh, hindi ikaw yung parating nagtitiis, hindi ikaw yung parating binabalewala. Hindi mo man lang ba natanong sa sarili mo kung bakit parati na lang akong nagagalit sa ‘yo? Hind mo man lang magawang magtanong, hindi mo man lang magawang baguhin yung pakikitungo mo sa akin. Sa simula’t simula pa lang, ako naman talaga parati ang huli eh. Inuuna mo pa nga yung DOTA kesa sa ‘kin, pero pinalagpas ko lang lahat yun. Inunawa ko lahat kasi mahal kita. Tangina nga namang pagmamahal na yan oh, ako yung nagiging tanga!!

RF

Sa buong buhay ko sa Pisay (High School), ISA lang ang naging crush ko. Yung super duper ultra mega crush! Yung nagpapakilig sa akin kahit nakikita ko lang sa malayo, haha. Ngayon ko lang ulit napagtanto kung gano ako ka head over heels sa taong yun, at kung anong nagustuhan ko dun, muntik ko na ngang nakalimutan, hindi ko na nga alam kung nasan na yun ngayon. That’s so four years ago. :)

May napanood kasi akong video na tungkol sa Pisay eh, namiss ko tuloy high school life. :’(

Ang ganda lang ng paggising sa akin ni Mommy kanina.

Gising na! Pupunta kayo sa Camiguin sa Sabado! Kain na, dali na, KIIIIDS!!

Alas otso pa lang yun ha, nakakatamad pa gumising talaga! Ako naman kasi yung parating nahuhuli kumakain tuwing umaga kasi ako yung pinaka late magising sa kanila lahat. Pero nung marinig ko yung Camiguin kanina, haha, parang mas malakas pa sa pinakamalakas na tunog ng alarm clock eh! Hindi pa nga kasi kami namin lubos na-enjoy ang summer, kasi nandito lang kami sa bahay parati, umaalis lang kapag may kailangan bilhin, o kapag kakain sa labas. Eto na! Chance na to gumala, magbeach, travel, SUMMER!! Siyempre gusto ko nandun ako kapag nagpaplano sila tungkol sa lakad naman, kaya bumangon na ako. Dun kami sa hapag kainan nag-uusap.

Ano? gusto niyo pumunta? Magpapabook na ako ng room dun, para 2 days, 1 night tayo.

Sa Dakak na lang kayo tayo pumunta? Tapos magfantasy land tayo?


Malayo ang Dakak, ano ka ba, ano bang meron sa fantasy land? Mga rides? Ayaw ko ng ganun, Camiguin na lang tayo.


Ilang oras ba ang CDO to Camguin? Di ba two hours? Eh, pare pareho lang naman sa Dakak travel time eh!


Ganyan lang mga naging conversation namin kanina, tapos, kinekwenta kung saan mas makakatipid kung magdadala ba ng sasakyan o hindi, at kung kasya na kaya ang 15K na budget, hanggang sa, nagsalita si Mommy.

Kailangan pa natin ng pera sa pagpapa-ayos niyang kwarto niyo eh. Malapit na pasukan, magbabayad na naman ng tuition. Tapos si ate niyo nangangailan pa ng 20K yan para sa muling pag-aapply niya ng trabaho.


Blah, blah, blah. Nasa isip ko na lang, “Hay nako, eto na naman nagpapakonsensya, sinasabi ko na bang ganito lang hantong nito eh”

Wag na lang tayong pumunta, next time na lang.


Okay, hindi tuloy ang lakad. Excited pa naman ako oh! Parati na lang kasing ganito, kaya minsan ayaw ko nang maniwala sa mga plano na mga lakad na ganyan eh, ako lang madidisappoint. Wala na kaming magagawa, salita niya yung batas. Kung walang matutuloy na lakad, wala talaga yan, wag na ipilit. Oo, nalungkot ako, pero hindi ko na lang iniisip, marami pa naman sigurong next time. :(


Yun na nga ba ang ayaw ko sa kakabasa ng mga story na may kilig kilig eh, hindi ko naman kasi maiwasan na mairelate at maikumpara ko yung buhay ko at mga pinagdadaanan ko sa mga characters dun, lalo na’t kapag nasa parehong age bracket lang kami nung mga bida. Lagapak self esteem ko eh! Parang parati na lang almost perfect yung mga characters, gwapo yung lalake, maganda yung babae, parehong matatalino, parehong mayaman,talented,popular, di ba? Sino ba namang tao ang ayaw ng ganun. Kailan ko pa kaya mararanasan yung mga ganito? HAHA, ambisyosa, pero seryoso, bakit ganun parati? Kainis pero gustong gusto ko pa ring magbasa ng mga ganun, parang one way of escaping reality kumbaga, gusto mong malunod sa sobrang pantasya, sa sobrang kilig! Tapos pag nagising na ako sa katotohanan, puro sisi sa sarili kasi ang tanda ko na di ko pa naranasan yung mga bagay na nababasa ko, buti pa sila, haay, kaiingit. HAHA, kailangan ko ng pampakilig eh!! as in NOW na! Sinasabi ko na lang sa sarili ko, “Pat, hindi totoo yang mga ganyan, move on!” HAHA, ako na bitter. :)

parequest naman. :)

Weh? seryoso ka? HAHA. Sige try ko, yung madaling kanta lang ha, wahaha :)))

hahaha. ang natural kasi ng ganda mo, ate. hindi mo na kelangang mageffort para gumanda. dabest ka talaga :))

Sus, ‘to talaga, ang laki na ng ngiti ko dito oh :) Salamat Agot! Dabest ka rin talaga! Loveyou! :)

masama palang na bobored ka heheh

Ahahaha, talaga lang. Umulan nga ng malakas habang pinagagawa ko ‘to eh,pero di ako nagpatinag. HAHA. :D